Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nangyaring pag-amin sa krimen ang dalawang Pilipino na inaresto kaugnay sa pagkamatay ng mag-asawang Hapon sa Tokyo, Japan kamakailan.
Ito’y matapos kumalat ang ulat sa social media ang umano’y pag-amin ng dalawang Pinoy na suspect dahil nahuli-cam ang mga itong bumibili ng mga patalim o kutsilyo.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, ito ay hindi totoo at wala pang opisyal na pahayag mula sa Tokyo police.
Dagdag pa ni De Vega na sa darating na Marso 23 at 24, malalaman ang magiging desisyon ng piskal kung may probable cause ba ang pagsasampa ng kasong murder laban sa dalawang OFW.
Samantala, nakahanda naman ang DFA sa pagbibigay ng legal assistance sa mga ito.| ulat ni AJ Ignacio