Digital tourism sa pamamagitan ng QR code, maaaring gamitin sa mga bibisita ng Legazpi, Albay ngayong long weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maa-access na ang mga sikat at patok na tourist destination sa lungsod ng Legazpi sa pamamagitan ng isang click na lamang.

Inilunsad ng Legazpi City Tourism ang Quick Response (QR) Code system nito na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga sikat na tourist spot, hotel accomodations, simbahan at malls sa lungsod.

Upang ma-access ang code, dapat mag-download ng scanner sa pamamagitan ng isang smartphone. Kapag na-scan, bubuo ang code ng impormasyon tungkol sa mga kultural, makasaysayang simbahan, at malls sa lungsod. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us