Nanawagan si DILG Secretary Benhur Abalos sa mga local government units na magtulungan sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pinakamahuhusay na kagawian.
Sinabi ni Abalos na sa paraang ito makakamit ang sustainable community development at makatulong na maisakatuparan ang vision ng Bagong Pilipinas.
Ginawa ni Abalos ang apela sa katatapos na General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP).
Ang pagtitipon ay naglalayong makatulong na mapabilis ang implementasyon ng 17 Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations sa local level.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Abalos ang kahalagahan ng mabuting lokal na pamamahala.
Binigyang-diin din niya ang mga hakbang ng DILG, sa pakikipagtulungan ng mga katuwang na ahensya ng gobyerno at mga LGU na direktang tumutulong sa pagsasakatuparan ng 17 SDGs. | ulat ni Rey Ferrer