Nakalatag na ang mga aktibidad ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa selebrasyon ng unang anibersaryo ng flagship program ng Marcos administration na ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’ (BIDA) program.
Kasama rito ang isang advocacy walk na pangungunahan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos kasama ang ilang anti-drug advocates at supporters.
Gaganapin ito bukas, March 23 sa SM Mall of Asia Concert Grounds.
Tinawag itong BIDA Walk o ang “Lakad Kontra Droga, BIDA Tayong Lahat!” na inaasahang lalahukan din ng mga kinatawan ng LGUs, anti-drug advocacy groups, private and non-government organizations, at youth sector.
Kasunod nito ay hinikayat naman ni DILG Sec. Abalos ang publiko na makiisa sa BIDA Walk bilang patuloy na suporta sa laban ng pamahalaan sa iligal na droga.
“We have come a long way since we launched BIDA more than a year ago. Kasama natin ang ating mga kababayan, sama-sama nating ipagdiwang ang BIDA anniversary and collectively aspire to further the government’s fight against illegal drugs”. | ulat ni Merry Ann Bastasa