Nagsagawa ng serye ng pagpupulong ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga overseas Filipino worker at iba pang stakeholder sa Germany.
Ito ay sa sidelines ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa nasabing bansa na kabilang sa mga agenda ang pagpapalakas ng international labor relations.
Layon nitong maiangat at maisulong ang karapatan at kalagayan ng mga OFW.
Pinangunan ni Migrant Workers Undersecretary for Policy and International Cooperation, Atty. Patricia Yvonne Caunan ang dayalogo kasama ang mga nangunagunang employer, foreign placement agency, at mga kinatawan ng OFW communities upang talakayain ang mga issue at mapaigting ang pagtutulungan.
Kabilang sa mga natalakay ang pagpapababa ng mga gastusin sa recruitment, pagtugon sa mga hamon sa third-country recruitment premature contract termination, at pangangailan ng komprehensibong pre-departure at post-arrival orientation.
Natalakay din sa pulong ang kalagayan ng mga Pilipinong nasa healthcare sector sa Germany sa pamamagitan ng pagbuo ng Cooperation Framework.
Inaasahan na ang naturang dayalogo ay magbubunga ng maitging na pagtutulungan ng Pilipinas at Germany sa pagbuo ng mga polisiya at pagsusulong ng trabaho at proteksyon ng mga OFW sa Germany. | via Diane Lear