Nagkasa ng iba’t ibang aktibidad ang Department of Migrant Workers (DMW) kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw.
Pinangunahan ni Migrant Workers officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang mga aktibidad.
Kabilang dito ang pagpapasinaya ng ahensya sa isang mural na may pamagat na “Ang Tahanan ng OFW” sa punong tanggapan nito sa Mandaluyong City.
Tampok din ang Women’s Bazaar na nakalagay sa driveway ng tanggapan.
Pinasinayaan din ng ahensya ang kanilang Nursing at Lactation Room sa bahagi sa lower basement ng tanggapan para sa mga nanay na nagpapagatas sa kanilang mga sanggol.
Ayon sa DMW, layunin ng ikinasang mga aktibidad ngayong araw ay para kilalanin ang mahalagang papel ng mga babae sa lipunan.
Sa mensahe ni Cacdac, sinabi nito na sila ay nagbibigay pugay sa mga kababaihang manggagawa, lalo na sa mga kababaihang OFW sa buong mundo.
Dahil aniya sa kanilang kasipagan at tibay ng loob, at husay ng pakikitungo ay nakikilala ang mga Pilipino sa ibayong dagat. | ulat ni Diane Lear