Naglunsad ng Mega Jobs Fair ang Deparment of Migrant Workers (DMW) sa Robinsons Galleria Mall Ortigas sa Quezon City ngayong araw.
Ito ay sa pakikipagtulungan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Public Employment Service Office (PESO), at Philippine Commision on Women (PCW).
Bahagi ito ng pakikiisa sa selebrasyon ng National Women’s Month.
Lumahok sa Mega Jobs Fair ang nasa 16 na licensed recruitment agencies na nag-aalok ng nasa 3,000 aprubadong job order sa industriya ng healthcare, hospitality, office administration, construction, at manufacturing sa Japan, New Zealand, Kingdom of Saudi Arabia, Germany, at Poland.
Sa mensahe ni Migrant Workers Officer-in-Charge Undersecretary Bernard Olalia, sinabi nito na layon ng naturang akibidad na makapagbigay ng access sa mga lehitimong recruitment agencies sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa abroad. | ulat ni Diane Lear