DMW, nakikipag-ugnayan sa gobyerno ng South Korea upang bumuo ng kasunduan para sa Seasonal Worker Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nakikipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers sa gobyerno ng South Korea upang bumuo ng isang kasunduan para sa Seasonal Worker Program (SWP).

Ayon kay Cacdac, kinakailangan na magkaroon ng mga alituntunin na pagkakasunduan ng Pilipinas at South Korea kaugnay sa SWP, gaya sa mga factory worker na nakapaloob sa employment permit system ng South Korea.

Nais aniya ng DWM na magkaroon ng isang legally binding agreement ang dalawang bansa.

Inihayag din ni Cacdac, na nitong May 20, umabot na sa 862 na mga seasonal worker ang idineploy ng DMW at Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) sa South Korea sa ilalim ng SWP. Habang 711 ang pinoproseso pa.

Ito ay sa pakikipagtulungan sa 28 lokal na pamahalaan sa bansa.

Ani Cacdac, ang magandang balita rito ang lahat ng idineploy na mga seasonal worker ay miyembro na ng OWWA, may travel insurance at mino-monitor ng DMW para matiyak ang kalagayan at kaligtasan ng mga ito.

Matatandaang naglabas ng kautusan ang DMW na kinakailangang dumaan sa proseso ng ahensya ang lahat ng mga ide-deploy na seasonal workers sa South Korea, matapos na makatanggap ng ilang reklamo gaya ng pang-aabuso at hindi tamang pasahod. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us