Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na magsasagawa ito ng pag-aaral kaugnay sa kalagayan ng mga Pilipinong nurse at healthcare worker sa Japan.
Layon nitong madokumento ang kondisyon ng trabaho, mga hamon, at karanasan ng mga Pilipinong nurse at healthcare work sa Japan, partikular na ang kaugnay sa Japanese National Licensure Examination.
Batay sa DMW Advisory na inilabas ngayong araw, inaanyayahan ng ahensya ang mga Pilipinong nurse at care workers na na-deploy sa ilalim ng Philippine-Japan Economic Partnership Agreement Program at nakapasa sa Japanese National Licensure Examination, na makibahagi sa survey.
Ito ay magtatapos hanggang sa April 30, 2024.
Ayon sa DMW, ang resulta ng pag-aaral ay gagamitin para bumuo ng mga polisiya upang mapabuti ang mga serbisyo sa mga Pilipinong healthcare worker sa Japan.
Para sa mga nais na makibahagi sa survey maaaring bisitahin ang Facebook page ng DMW upang ma-access ang Google Forms ng naturang survey. | ulat ni Diane Lear