Dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga motorista ngayong Semana Santa, inatasan ng Department of Energy ang mga kumpanya ng langis na maglagay ng assistance desk sa kanilang mga gasoline station ngayong linggo.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, ito’y upang alalayan ang mga motoristang bibiyahe ngayong Semana Santa at ngayong summer season sakaling magkaroon ng aberya ang mga ito sa kanilang biyahe.
Dagdag pa ng Kalihim, ito’y bilang pagbibigay serbisyo bukod sa kabilang langis na produkto at pasasalamat na rin sa pagtangkilik ng mga motorista sa kanilang produkto.
Kaugnay nito, inaasahan naman ang malakihang dagdag singil sa produktong petrolyo bukas ng umaga, Marso 26. | ulat ni AJ Ignacio