Ipinaaabot ng Department of Health (DOH) ang pakikiramay nito sa pamilya at mga kaibigan ng namayapang mental health advocate at kilalang doktor na si Dr. Gia Sison.
Sa pahayag ni DOH Secretary Teodoro Herbosa, pinasalamatan nito ang mga ambag ni Dr. Sison sa pagkilos nito tungo sa ginhawa ng isip at damdamin.
Dagdag pa ng Kalihim, na magpapatuloy ang health sector sa trabaho nito para masiguro ang pagiging available ng mga serbisyo sa mental health para sa lahat ng Pilipino.
Ilan sa mga naging role ni Sison bilang doktor ay naging consulatant ito para sa World Health Organization Western Pacific Regional Office on Health Lifestyle in the Workplace.
Naglingkod din siya bilang pinuno ng Makati Medical Center’s Women Wellness Center at advocate ng breast cancer awareness bilang isa ring cancer survivor.
Pinangunahan rin ni Dr. Sison ang Livestrong Foundation at nagsilbing National Adviser para sa Youth for Mental Health Coalition.
Namayapa si Dr. Sison noong ika-21 ng Marso sa edad ng 53.| ulat ni EJ Lazaro