Sinegundahan ng Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal sa mga major roads ang mga electric vehicle tulad ng mga e-trike.
Ayon kay Justice Undersecretary Margie Gutierrez, tama lang ang desisyon ng MMDA na huwag payagan gumamit ng mga major road ang e-trike.
Ito ay dahil sa mapanganib para sa mga pasahero at driver kung pagsasabayan nila sa malalaking mga sasakyan ang paggamit ng e-trike.
Hindi lamang, aniya, sa Metro Manila ipagbabawal ang e-trike sa mga major roads bagkus ay maging sa mga probinsya.
Noong nakaraang linggo, nagdesisyon ang MMDA at LTO na pagbawalan ang mga gumagamit ng electric vehicle sa major road dahil hindi ito ligtas para sa mga driver at pasahero.
Hindi rin daw nakarehistro sa LTO ang mga sasakyan na ito at wala ring drivers license ang karamihan sa mga nagmamaneho. | ulat ni Mike Rogas