Nakatakdang dumalo ang delegado ng Department of Tourism (DOT) sa Berlin upang makiisa sa International Tourism Promotions (ITP) sa naturang bansa, upang mas maipakilla ang ipinagmamalaking tourism spots ng Pilipinas at mas makapang-akit pa ng mas maraming foreign tourist sa bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, pangungunahan ng Tourism Promotions Board ng DOT ang padalo sa tatlong araw na ITP sa bansang Berlin, na isang malakihang international event na mas makakapanghatak pa ng maraming turista sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Frasco, na isang malaking pagkakataon ito sa Pilipinas dahil mas maipo-promote pa ang ating bansa sa international tourism market.
Sa huli positibo naman si Frasco, na magiging matagumpay ang ating bansa na mas dadami ang tutungo sa Pilipinas matapos mai-promote ang ipinagmamalaking tourist attraction ng ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio