Tiniyak ng pamunuan ng Department of Transportation na handa ang kanilang mga ahensya na maglabas ng special permit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange ngayong Holy Week.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ito ay kung sakaling kulangin ang mga bus na bibiyahe ngayong Holy Week.
Paliwanag ng kalihim para matiyak ang tuloy-tuloy na biyahe ng mga pampublikong sasakyan partikular ng mga provincial buses ay handa silang maglabas ng mga special permit kahit sa kasagsagan ng semana santa.
sa katunahan aniya ay may opisina na ang land transportation franchising and regulatory board sa pitx na siyang mag rerelease ng special permit para sa bus.
matatandaan sa mga nakaraang taon ay kinukulang ang mga bus na umiikot mula probinsya pabalik ng maynila dahil nagkakaroon ng traffic sa mga ruta nito. | ulat ni Lorenz Tanjoco