Naghandog ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa lahat ng mga babae sa buong buwan ng Marso.
Ito’y bilang pagsuporta na rin ng K
kagawaran sa pagdiriwang ng National Women’s Month.
Ayon sa DOTr, libreng makabibiyahe ang mga babae sa EDSA Bus Carousel mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) patungong Cubao at vice versa.
Ang libreng sakay ay bilang pagkilala rin ng kagawaran sa mahalagang papel ng mga babae sa lipunan.
Layunin din nito na palakasin at ipagdiwang ang naging tagumpay ng mga babae. | ulat ni Jaymark Dagala