Binisita ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang Air Traffic Control Center ng Civil Aviation Authority of The Philippines (CAAP) upang siguruhin ang kahandaan ng naturang pasilidad ngayong Semana Santa.
Personal na sinalubong ni CAAP Director General Manuel Tamayo upang ipakita ang kasalukuyang aktibidad ng CAAP Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management at siniguro nito ang kahandaan nito ngayong linggo.
Ayon naman kay CAAP Director General Tamayo, handa ang ahensya sa pag-accommodate sa dagsa ng biyahe sa himpapawid at hinati nila sa tatlong shifts ang pasok ng mga tauhan sa air traffic control upang 24/7 may tauhan na magbabantay sa air traffic control center.
Sa huli, muling siniguro ng CAAP na maiiwasan nila ang anumang aberya ngayong Semana Santa dahil nakahanda ang kanilang pamunan na magbantay sa air traffic sa buong bansa. | ulat ni AJ Ignacio