Muling nilinaw ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na walang mawawalan ng trabaho sa mga personnel ng Manila international Airport Authority (MIAA) sa paparating na turnover ng operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa isasagawang modernisasyon sa paliparan.
Tiniyak rin ng Kalihim na mananatili ang kasalukuyang mga empleyado ng MIAA, maging sila ay regular, kontraktwal, o job order man sa ilalim ng concession agreement sa SMC-SAP, Inc.
Binigyang diin din ni Bautista na bibigyan ng prayoridad ng concessionaire ang trabaho ng mga kaslukuyang empleyado na sangkot sa operasyon ng paliparan samantala ang mga hindi direktang involve sa operasyon ay mananatili sa agency.
Dagdag pa ni Baustisa, magpopokus ang MIAA sa pagiging airport operator habang ang concessionaire ang in charge sa operasyon at maintenance ng NAIA.
Hinikayat din ng Transportation chief, ang mga empleyado ng MIAA na makilahok sa pag-restore ng reputasyon ng paliparan bilang isa sa mga world’s premier gateways. | ulat ni EJ Lazaro