Makakatuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Mindanao State University (MSU) sa pangangalaga sa kapakanan ng mga batang ulila at mga nakatira sa ‘torils’ sa Marawi City.
Nakapaloob ito sa nilagdaang memorandum of understanding (MOU) nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at MSU System President Atty. Basari D. Mapupuno sa DSWD Central Office sa Quezon City nitong Martes.
Kabilang sa itataguyod rito ang Project “Riayah”, na layong bumuo ng inclusive at culturally-sensitive programs para sa mga bata sa torils.
Ito ay mga pribadong educational institutions na naglalan ng Qura’an memorization, Arabic language learning, at nagtuturo ng Islamic values at laws sa residential setting.
Ayon kay Sec. Gatchalian, kasama sa prayoridad ng DSWD ang bumuo ng mga innovative social protection program para sa mga naulilang bata sa torils lalo na ang mga batang naapektuhan noon ng Marawi Siege.
“The Department alone cannot do it by itself, so that’s why we are working with the Mindanao State University…so that our social protection programs will be tailored fit to the needs of our toril students,” DSWD Secretary. | ulat ni Merry Ann Bastasa