Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapatupad ng mas pinalawak na Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) simula ngayong Hulyo.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Baldr Bringas, mula sa 3,000 ay iaakyat sa karagdagang 300,000 ang magiging benepisyaryo ng prograam ngayong taon.
“Ang plano po natin is by July, makapag-scale up na tayo from 3,000 to 300,000 beneficiaries. Mag-rurun [ang programa] for another year. So the following year, we will add another 300,000, so that will total 600,000 beneficiaries for 2025. By 2027, hopefully, ma-onboard na natin yung 1 million beneficiaries,”ani Asec. Bringas.
Sa kasalukuyan, ang FSP program ay may kabuuang bilang na 2,285 registered beneficiaries mula sa limang pilot areas. Kabilang na ang Tondo, Manila; bayan ng San Mariano sa Isabela; Dapa municipality sa Siargao; Garchitorena sa Camarines Sur at Parang, Maguindanao.
Bukod naman sa karagdagang benepisyaryo, sinabi ni Asec. Bringas, na mayroon na ring 17 accredited retailers ang FSP at plano ng ahensya na makapag-accredit pa ng mas marami pang small and medium enterprises (SMEs) upang matulungan ang mga nasa marginalized groups.
Ang FSP ay flagship program ng national government na naglalayon na wakasan ang involuntary hunger na nararanasan ng mga low-income earners at tulungan silang makaagapay at maging productive citizen batay na rin sa whole-of-nation approach. | ulat ni Merry Ann Bastasa