Ipinatupad na ng Department of Social Welfare and Development ang unang bugso ng Emergency Cash Transfer payout sa probinsya ng Agusan del Sur.
Ayon sa DSWD, kabuuang 113 ECT-qualified beneficiaries mula sa munisipalidad ng Bayugan at Prosperidad ang nakatanggap ng tig-P5,004.
Ang nasabing halaga ay kinakalkula sa pamamagitan ng pag-multiply ng 75% ng kasalukuyang regional daily minimum wage rate na P370 sa 18 araw.
Sunod namang isasagawa ng DSWD ang schedule ng payouts sa mga natitirang munisipalidad sa Agusan del Sur sa darating na mga araw.
Ang ECT ay isa sa mga programa ng departamento na naisa-aktibo lamang kapag nagdeklara ng state of calamity ang lalawigang apektado ng kalamidad. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD