Patuloy pa rin ang paglalaan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na ulan at bahang dulot ng shear line noong Nobyembre ng 2023.
Nagpaabot na ang DSWD Eastern Visayas ng ₱49.3-million Emergency Cash Transfer (ECT) sa 16,235 na mga benepisyaryo sa Catarman, Northern Samar.
Nagsagawa din ng ECT payout sa mga bayan ng Lavezares, San Jose, Gamay, Lapinig, Mapanas, Palapag, Allen, Bobon, Lope de Vega, Rosario, Catubig, Laoang, Pambujan, San Vicente, Mondragon, San Roque, Las Navas, Silvino Lobos, Capul, at San Isidro.
Sa kabuuan, nasa higit ₱300-milyong ayuda na ang nailalaan ng DSWD Field Office VIII sa 110,968 na mga benepisaryo mula sa Probinsya ng Northern Samar.
Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shear line noong Nobyembre. | ulat ni Merry Ann Bastasa