Inilunsad na ng Department of Social Welfare and Development sa Tarlac ang Social Protection for Indigenous Peoples.
Layon nitong palakasin sa pamamagitan ng digital connectivity ang tulong na ipinaaabot sa mga katutubo at sa kanilang komunidad.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mobile communication van, mabilis na makakakonekta sa Digital Transformation (DX) ang mga on-the-ground social workers para mabilis na makapagbigay ng tulong sa mga liblib na lugar.
Ayon sa DSWD, gagamit ang DX team ng Cisco-branded van, na may command center capabilities, wired at wireless internet access, at electric power generator na magsisilbing critical hub sa DSWD team.
Sa ginanap na soft launch ng Social Protection for Indigenous Peoples, mabilis na naisagawa ng DSWD social workers ang profiling ng Aeta indigenous community mula sa iba’t ibang lugar sa Barangay Maruglu, Capas, Tarlac. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DSWD