Paiigtingin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng serbisyo para sa implementasyon ng deradicalization at reintegration program sa mga dating rebelde bilang tugon na rin sa Buong Bansa Mapayapa (BBM) program ng ahensya.
Ayon kay DSWD Undersecretary Alan Tanjusay, naging hudyat para sa pormal na pagtatag ng Peace and Development Program Management Unit ang inilunsad na BBM peace and development program ng ahensya.
Nakapaloob din sa programa ang pagbibigay ng psychosocial interventions sa mga dating myembro ng rebeldeng grupo.
Samantala, nakakumpleto na ng may 83% sa kanilang target projects sa ilalim ng Peace and Development Track nitong 2023 ang PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Program,
Habang ang LGU-Led Track, na Sustainable Livelihood Program ng ahensya ay umabot sa 66% ng total target noong nakaraang taon.
Dagdag pa ni Tanjusay, na nakatakda na ring itayo ang ₱1.7 million-halaga ng Child Development Center sa Barangay Cabugao, Ibajay Aklan. | ulat ni Rey Ferrer