Nakatuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang United Arab Emirates (UAE) sa pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang tinamaan kamakailan ng mga magkakasunod na landslide at pagbaha sa Davao de Oro.
Pinangunahan nina DSWD Rex Gatchalian at UAE Ambassador to the Philippines H.E Mohammed Obaid Alqattam Alzaabi ang pag-turn over ng relief assistance sa mga apektadong pamilya sa lalawigan kabilang ang food boxes.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni
Secretary Gatchalian si UAE President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan sa paglalaan nito ng ₱55-milyong donasyon o katumbas ng 5,000 family food packs (FFPs) sa mga pamilyang nabibiktima ng kalamidad o sakuna sa bansa.
Ayon sa DSWD, unang batch pa lang ng benepisyaryo ang nahatiran sa Davao de Oro at iikot pa ito sa ibang disaster hit areas sa bansa.
Una na ring nagpadala ng tulong ang UAE government sa disaster operations sa Mayon evacuees. | ulat ni Merry Ann Bastasa