Bilang pakikiisa sa International Womens Month, lumagda ng isang Memorandum of Understanding ang Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang Women’s Group na Connected Women para sa paglilinang ng mga kabahaihan pagdating sa artificial intelligence o AI sa ating bansa.
Personal na nilagdaan ni Trade Secetary Alfredo Pascual at ni Connected Women CEO Agnes Gervacio ang naturang MOU na naglalayong sanayin ang ating mga kababaihan pagdating sa online skill development, knowledge sharing, cybersecurity, AI education, at industry identification.
Sa huli nagpasalamat ang grupong connected women sa pakikipagpartnership ng DTI para sa pagpapalakas ng kapasidad ng kababaihan. | ulat ni AJ Ignacio