Positibo ang naging resulta sa naging pagdalo ng Pilipinas sa katatapos na World Trade Organization Ministerial Meeting sa Abu Dhabi na magkakaroon ng mga magagandang polisiya na magpapaangat ng sektor ng agrikultura sa bansa.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, malaki ang magiging outcome nito para sa Pilipinas dahil sa mga makukuhang investment pledges.
Makakaasa naman ani Pascual na magkakaroon na ng mga makabagong polisiya sa sektor ng agrikultura na magiging malaking tulong upang mas maging food sufficient ang Pilipinas.
Sa huli, muli namang siniguro ni Pascual na bukod sa pagdalo sa naturang ministerial meeting ay asahan ang pagpasok ng mga mamumuhan sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio