Hinikayat ng Department of Trade ang Industry (DTI ) ang Czech companies na mamuhunan sa bansa sa sektor ng Information Technology and Business Process Management.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ginawa niya ang naturang panghihikayat dahil sa pagiging kilala ng Pilipinas pagdating sa Business Process Outsourcing at ilang kumpanya na ang namuhunan sa bansa.
Dagdag pa ng kalihim na naging maganda naman ang tugon ng Czech companies sa kanyang panghihikayat kung saan isang MOU ang nilagdaan ng Pilipinas at Czech Republic na nagpapatibay sa economic cooperation ng dalawang bansa kabilang na ang industriya ng IT-BPM.
Sa huli, muling siniguro ng DTI na maayos ang pagproseso ng mga nakukuhang pamumuhunan na siyang tiyak na magpapaangat sa buhay ng mamamayang Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio