Lubhang nakababahala para kay Gabriela party list Rep. Arlene Brosas ang pagdami ng mga kababaihan sa bansa na pumapasok sa tinatawag na “sugar dating.”
Ayon sa mambabatas, pinapasok ng mga kababaihan na walang trabaho at kapos sa buhay, gayudin ang ilang mga estudyante ang sugar dating.
Dito, makikipag-relasyon ang mga babae sa mas matatanda sa kanila para sa sustento o makatanggap ng pera.
Sa ibinahaging datos ng lady solon, tinukoy nito na nasa 250,000 ang tinatawag na “sugar babies” noong 2023 kung saan 1/3 o higit-kumulang 83,000 ay mga estudyante habang 44% o aabot sa 110,000 ay walang trabaho. | ulat ni Kathleen Forbes