Suportado ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang mga hakbang sa early detection at prevention ng lahat ng uri ng sakit na cancer.
Inihayag ito ng kalihim na isa ring cancer survivor sa harap ng Philippine College of Surgeons (PCS) Cancer Commission sa Philippine National Cancer Summit 2024.
Punto ng kalihim, mas mataas ang tyansa na maligtas sa cancer ang isang indibidwal kung maaga itong matutukoy.
Kaugnay nito, hinimok ni Secretary Abalos ang gobyerno at pribadong sektor na tulungan ang mga LGU na mapalakas ang kanilang kapasidad sa paggamot ng cancer.
Kasama na rito ang pagtugon sa cancer detection at prevention.
“Importante talaga ang cancer prevention. However, not every LGU is wealthy. That is why we really have to benchmark pagdating dito sa mga tests kung ano ang kaya. A lot of LGUs want to have these functions, kaya tulungan natin sila,” ani Abalos.
Ayon pa sa kalihim, dapat na manatiling prayoridad ng LGUs sa kanilang devolution ang pagpapabuti ng health care system.
Ikatlo na ang cancer sa nangungunang dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas kung saan umaabot sa 86,000 ang naitatalang cancer-related deaths kada taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa
#RP1News
#BagongPilipinas