Binigyang diin ni Senadora Grace Poe na hindi kailanman naging tradisyon ng Senado ang mag-railroad o magmadali ng mga panukalang batas.
Pahayag ito ng senadora kasunod ng pagkakapasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang economic chacha o ang kanilang Resolution of Both Houses no. 7.
Ayon kay Poe, sinimulan naman na ng senado ang pagtalakay sa bersyon nila ng economic chacha o ang Resolution of Both Houses no. 6.
Bagamat kinikila aniya ng mataas na kapulungan ang mga prayoridad ng kamara, iginiit ng mambabatas na sa masusing pinagdedebatehan at kinokonsulta nila ang lahat major stakeholders.
Giniit rin ni Poe na mapa constitutional amendment man o legislative franchise ay dinedepende ng senado ang pagprayoridad sa mga panukala base sa pangangailangan ng bansa.
Ang taumbayan aniya ang nagtatakda ng deadline at nakikinig lamang sila sa mataas na kapulungan. | ulat ni Nimfa Asuncion