Economic chacha, makakalikha ng nasa 2 milyong trabaho ayon sa economist solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni House Appropriations Committee Vice Chairperson at Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco, Jr. na makakalikha ng 2 milyong trabaho ang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.

Giit ng mambabatas na isa ring ekonomista, ang pag-alis sa restrictions o paghihigpit sa konstitusyon ay parang bunga na maaari nang pitasin at pakinabangan lalo para sa isang emerging economy gaya ng sa Pilipinas.

Tinukoy nito nag pag-aaral ng UP Research and Extension Services Foundation-Regulatory Reform Support Program for National Development (UPPAF-RESPOND) noong 2020 kung saan lumalabas na ang pagluwag sa ating 1987 constitution ay makakalikha ng 1.6 million na trabaho at maaaring madoble pa ang ating foreign direct investment (FDI) ng hanggang US$16.2 billion o katumbas ng P777 billion na dagdag sa ating kasalukuyan nang US$9.2 billion.

“The fruits of our economic and fiscal policies in the past decade are almost ripe. It’s high time we remove the barriers so not only a few benefit. Our country must work together with the global community so we can reap these bountiful harvest and have the Filipino people and their families benefit from our labor of love,” saad ni Haresco.

Pagbabahagi pa niya sa pulong balitaan sa Kamara na ang kasalukuyang unemployment at under employment rate ng bansa at nangangailangan ng hanggang P1.7 trillion para matugunan.

Kaya nakakahinayang aniya na may mga bansa gaya ng United Arab Emirates (UAE) na nagbubuhos ng bilyong dolyar halaga ng pamumuhunan sa ibang mga bansa gaya ng Turkey at Indonesia at nais rin sana maglagak sa Pilipinas ngunit napipigilan dahil nga sa ating economic restrictions.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us