Tuloy-tuloy lang ang pamahalaan sa paghahanap ng paraan na lalo pang mapababa ang bilang ng mga walang trabaho.
Ito ang sinabi ni Speaker Martin Romualdez kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority na umakyat sa 4.5% ang unemployment rate nitong Enero ng 2024, kumpara sa 3.8% noong December 2023.
Ayon kay Romualdez, dynamic o sadyang nagbabago talaga ang unemployment rate.
Ngunit ang importante ay may ginagawang hakbang ang pamahalaan
Kaya nga aniya masugid nilang itinutulak ang economic charter change para mabuksan ang ekonomiya ng Pilipinas at makapasok ang dayuhang kapital, na makatutulong sa paglikha ng mas maraming trabaho. | ulat ni Kathleen Forbes