Patuloy ang paghina ng El Niño episode na nararanasan sa Pilipinas, ngunit tuloy pa rin ang impact nito o ang mas mainit at mas tuyot na kondisyon na iniiwan nito sa bansa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum na mararanasan ang pag-transition ng El Niño patungong neutral sa buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo ng taong ito.
“Now, the rainfall forecast would show us that by April, there will still be a lot of areas to be affected by way below normal rainfall – more than 60% and also below normal and rains will come by May but there will still be other areas that will have less rainfall.”–Secretary Solidum.
Base aniya sa kanilang forecast, ang on going effect ng El Niño ay posible pang magpatuloy hanggang sa Abril.
“We have 48 provinces to be affected by drought; 24 dry spell; but by May, it will be 54 provinces to be provinces to be affected by drought and 10 dry spell.” -Secretary Solidum.
Gayunpaman, unti-unti na rin aniyang bababa ang bilang ng mga probinsyang nakararanas ng drought at dry spell simula Hunyo, hanggang Agosto.
“So, almost the same if you combine both the drought and dry spell but the drought-affected provinces will continue to persist based on DOST-PAGASA’s outlook – 25 by June, 23 by July and 10 by August.” -Secretary Solidum..
Sa mga buwan na ito aniya, nasa 62% naman ang probability ng pagpasok ng La Niña sa bansa.
Sabi ng kalihim, mayroon mga probinsya aniya sa bansa ang makakaranas ng kapwa epekto ng El Niño at La Niña, at isa ito sa mga pinagha-handaan ng gobyerno.
“And there will still be some provinces to be affected by the combined effect of El Niño and the preparation for La Niña which would bring in less normal rainfall. Hence, we need to continue doing the operations for El Niño preparedness but also keeping in mind that we need to prepare for La Niña in the second half of the year.” -Secretary Solidum. | ulat ni Racquel Bayan