Nakatakdang magpadala ng tulong ang embahada ng Pilipinas sa mga natitirang Pinoy sa bansang Djibouti.
Ang mga naturang Pinoy na sasaklolohan ng Department of Foreign Affairs ay ang mga kasamahan ng dalawang Pilipino na nadamay sa missile attack nitong nakaraang araw.
Ayon sa pahayag ng DFA, handa silang magbigay ng ano mang pangangailangan ng 13 Pinoy na nasa Djibouti.
Kasabay nito ay nagpahayag din ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng dalawang Pinoy seafarers na namatay matapos ang nasabing missile attack sa civilian bulk carrier mv true confidence.
Paliwanag ng DFA lubos ang kanilang pag-alala ng malaman ang naturang insidente.
Ang mga Pinoy na nakaligtas o ung 13 Pinoy ay nailigtas naman ng Indian Navy at dinala nga sa Djibouti. | ulat ni Lorenz Tanjoco