Pinaalalahanan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ipinapatupad nitong pagbabawal sa pagpasok ng mga dating bilanggo sa anumang prison facilities nito sa bansa.
Exempted naman sa kautusan na ito ang mga dating bilanggo na may nakakulong na kamag-anak upang mabisita ang kanilang pamilya alinsunod kung nakalista ang kanilang pangalan sa mga approved visitor.
Nilinaw din ng BuCor, na ang mga Religious Volunteer Officers (RVOs) na dating Person deprived of liberty (PDLs) ay exempted din sa nasabing kautusan. | ulat ni EJ Lazaro