Isinusulong ni Deputy Majority Leader JV Ejercito ang pagkakaroon ng exit strategy sa pamamahagi ng ayuda para maiwasan na ang ‘ayuda mentality’ sa bansa.
Ayon kay Ejercito, sana ay magkaroon ng mas sustainable na programa sa pagtulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
Ipinunto pa ng senador na kada taon ay tumataas ang budget allocation ng bansa para sa social programs gayong dapat ay temporary o pansamantalang tulong lang ang mga financial aids at subsidies.
Kaya naman hinikayat ni Ejercito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ikonsidera ang iminumungkahi niyang exit mechanism sa pagbibigay ng ayuda.
Dapat aniyang may sapat lang na panahon na pagbibigay ng tulong at kalaunan ay ga-graduate rin dapat ang mga benepisyaryo mula sa programa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion