Hinihikayat ni German Chancellor Olaf Scholz ang mga Pilipino na samantalahin ang mga oportunidad mula sa German labor market, kasunod ng pagpasa ng ilang batas sa Germany para sa pagpapadali ng pagpasok ng foreign workers sa kanilang bansa.
Umaasa ang German official na sa ilalim ng batas na ito, iigting pa ang kooperasyon ng Pilipinas at Germany sa linya ng paggawa.
Ito ayon sa German official ay kasunod na rin ng nalagdaang renewal ng “Cooperation Program” sa pagitan ng TESDA at Federal Institute for Vocational Education and Training (BIBB), na aniya ay magpapataas ng kapasidad ng Filipino workers sa linya ng digitalization at green economy.
“The legislation that we’ve just passed lay the foundation and make it a lot easier for people to have access to the German labor market,” — H.E. Scholz.
Matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. binigyang diin ng German official na isusulong rin nito ang kahalagahan ng pagpapalakas pa sa hanay ng Filipino workers para sa Berlin at Maynila.
“I believe it to be probably the most advanced and modern legislation in that regard. We know that our prosperity and growth depend on professional workers from outside and we want to create favorable conditions here,” — H.E. Scholz.
Sa panig naman ni Pangulong Marcos, umaasa ito na ang inisyatibong ito ay simula pa lamang, at magpapatuloy pa sa hinaharap.
“It will be an advantage for the Philippines because our workforce will be better trained, and it will be an advantage to Germany because we now have a workforce that can contribute to German economy as well.” — Pangulong Marcos.
Lalo’t isa aniyang paraan sa patuloy na pagpapalakas ng ekonomiya ang paglakas rin ng labor force ng bansa.
“The transformation can only occur when our workforce is, I think the buzz words everybody uses now is upskill and re-skill,” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan
📷: PCO