Winelcome ni Finance Secreatry Ralph Recto ang mga global leaders and decision makers na nasa bansa ngayon para sa World Economic Forum, WEF Country Roundtable on the Philippines.
Ang tema ngayong taon ay “Forging a Sustainable Future for the Philippines.”
Layon ng roundtable na mapadali ang talakayan ng mga international business leaders upang maitatag ang partnerships na siyang susuporta sa hangarin ng ekonomiya na maging dynamic at resilient.
Target din nitong bigyang daan ang innovation, entrepreneurship at strategic collaborations sa global stage.
Ang roundtable ay joint effort na Philippine government at WEF, ito rin ang maituturing na kaunaunahang high-level roundtable sa Asia Pacific simula nuong pandemic.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, pagkakataon ito na ibida ang “promising growth story” ng Pilipinas sa harap ng global leaders.| ulat ni Melany V. Reyes