Pinahayag ni Finance Sec. Ralph Recto na pabor siya sa isinusulong na pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon.
Sa panayam matapos ang CA panel hearing, sinabi ni Recto na mas marami silang nakikitang upside o magandang resulta ng economic chacha kaysa sa negatibong epekto.
Kasama na aniya dito ang pagkakaroon ng mas maraming investment para sa ating bansa, na ikakalago ng ating ekonomiya at magbubunga ng maraming buwis na makokolekta ng pamahalaan.
Samantala, nakikta rin ng finance secretary na lalago pa ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na panahon.
Ayon sa kalihim, inaasahan nilang pagdating ng taong 2028 ay bababa ang poverty incidence ng Pilipinas sa 8 to 9 percent mula sa kasalukuyang 16 percent.
Umaasa rin si Recto na pagdating ng taong 2040 o 2050 ay magiging pang-labing apat na ang Pilipinas sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.| ulat ni Nimfa Asuncion