Muling iginiit ni Finance Secretary Ralph Recto na walang bagong buwis sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Sa isang panayam kay Recto, sinabi nito na ang focus ngayon ng gobyerno ay paghusayin ang tax collection sa pamamagitan ng digitalization.
Umaasa din ito na hindi magkaroon ng ‘triggers’ na posibleng magpuwersa sa Kagawaran ng Pananalapi na magpataw ng bagong tax measures.
Pagdidiin ni Recto, “last resort” ng administrasyon na magtaas ng buwis dahil para sa kaniya mataas na ang mga buwis sa bansa kung saan 60% ng kita ng gobyerno ay mula sa indirect taxes.
Pinabulaanan naman ng kalihim na may kinalaman ang kaniyang posisyon sa pagbubuwis sa kaniyang “political plans”. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes