Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga BSP-Supervised Financial Institutions o BSFI na may serbisyong PESONet at InstaPay na tiyaking may operasyon ang kanilang mga ‘customer service’ tuwing holidays at non-working days.
Ayon sa BSP, dapat consistent ang BSFIs na nakakasunod sila sa memorandum circular kung saan nakasaad ang panuntunan sa PESONet at InstaPay operations na inilabas pa noong nakaraang taon.
Ginawa ng Bangko Sentral ang pahayag upang mapaghandaan ang patuloy na paggamit ng publiko ng ‘interoperable digital services’ ngayong Semana Santa.
Bahagi rin ito ng pagsisikap ng BSP na i-promote ang financial consumer welfare.
Ang PESONet ay batch electronic fund transfer service na maaaring alternatibo sa mga tseke at ‘recurring payments’ habang ang InstaPay ay real-time, low-value digital payments facility na maaaring magamit bilang immediate payment transaction. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes