Pinangunahan ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso ang ginawang pagkilala ng kaniyang opisina sa mga ahensya ng pamahalaan na responsableng nagbabayad ng premium o kontribusyon nito.
Nanguna ang Philippine Statistics Authority sa may pinakamababang past due rates sa 0% habang sinundan naman ito ng provincial government ng Rizal kung saan nakapagtala lamang ito ng 1.25% past due rate.
Nanguna naman para sa pinakamataas na collection ng premium o hulog sa GSIS ang local water district ng Teresa na may 100% collection rating habang sinundan ito ng provincial government ng Rizal.
Kinilala din ng GSIS ang San Mateo Municipal College bilang may pinakamaraming miyembro na enrolled sa ecard, ang DepEd Division of Rizal, Elementary at High School bilang may pinakamaraming naaprubahan na multi-purpose loan. | ulat ni Lorenz Tanjoco