Pinag-aaralan na ng pamunuan ng Government Service Insurance System ang panibagong proyekto para mas maging maginhawa ang pamumuhay ng mga miyembro nito.
Ayon kay GSIS Vice President Margie Jorillo, ang living benefit insurance na kanilang kasalukuyang pinag-aaralan ay para sa mga miyembro nito na na-diagnose ng malalang sakit.
Para aniyang sa PhilHealth ang naturang programa subalit sa halip na direktang bayaran ang hospital ay maglalabas ang GSIS ng pera na ibibigay pantulong sa miyembrong na-diagnose ng mallubhang sakit.
Sa kasalukuyan aniya ay pinag-aaralan pa nila ang halaga at sa kung anong stage ng sakit mailalabas ang pera.
Sa ngayon, paliwanag ng opisyal ay patuloy ang kanilang ginagawang pagbalangkas ng mga alituntunin hinggil sa nasabing bagong benepisyo pero binigyang diin ni Jorillo na sa kanilang ahensya sa tuwing may ilalabas na benepisyo, ang deadline ay laging sa lalong madaling panahon. | ulat ni Lorenz Tanjoco