Isa ang Halal industry sa pinakamakikinabang oras na maisakatuparan ang pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipimas sa foreign investors.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, sa kabila ng RA10817 o batas para palaguhin ang industriya ng halal, ay hindi pa rin ito maisasakatuparan.
Wala kasi aniyang lokal na kapital na gusto mamuhunan sa Halal kaya naman hindi mapaunlad ang industriya at hindi kayang makapag-export ng Halal products para makipag-sabayan sa ibang mga bansa.
“…dito sa Pilipinas, yung local industry po natin we cannot export, we don’t have the capability. There is simply no local capital who would put up this multiple billion industry in halal. Wala po, so the tendency is that the halal industry in the Philippines revolves only around domestic supply, so hindi ho natin nae-expand iyan dahil nga wala pong kapital. Sa totoo lang sorry to say there is no local capital Filipino that would put up invest their money in a big industry such as halal,” paliwanag ni Adiong.
Katunayan ay may mga non-Muslim country aniya na namuhunan sa halal industry dahil hindi lang ito para sa Muslim market.
Maliban din kasi sa hygienic preparation ng pagkain ay may non-food opportunity ito.
Bukod naman sa malilikhang trabaho ay makadaragdag din ito sa kita ng pamahalaan oras na makapag-export ng Halal products ang Pilipinas.
“Kung tayo po ay magkakaroon ng opportunidad na ma-allow ang mga foreign investors like Malaysia, like Indonesia, like Brunei to put up their business here in terms of halal, you do not only raise the employment rate. You can actually raise revenue. You can have the Philippines now partake of the competition abroad in terms of halal industry. So nakikita po natin iyon na opportunity na it’s a multibillion-dollar investment,” dagdag ni Adiong. | ulat ni Kathleen Forbes