Bilang bahagi ng ‘Oplan Biyaheng Ayos 2024’, isinailalim na ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang lahat ng 44 na paliparan nito sa buong bansa sa heightened alert.
Bunsod nito, ang lahat ng CAAP service chief at airport managers ay magpapatupad ng 24/7 operations, direct communication lines, at ‘no leave policy’ para matiyak ang kaligtasan, seguridad, reliability, at maginhawa ang mga pasahero.
Tuloy-tuloy din ang ginawang pakikipag-ugnayan ng CAAP sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para masiguro ang maayos na pagproseso ng mga pasahero partikular sa pag-check-in ng mga ito.
inaasahan na rin ng CAAP ang pito hanggang 10% ang itaas ng bilang ng mga pasahero mula noong isang taon kung saan ang datos ay pumalo sa 4.4 milyong pasahero sa kabuuan ng Holy Week. | ulat ni Lorenz Tanjoco