Tinatayang aabot na sa higit 1 milyong Pilipino ang nakapagparehistro na para sa darating na national and local elections para sa Mayo 2025, ayon sa pinakahuling tala ng COMELEC.
Ang nasabing datos ay mula ika-12 ng Pebrero hanggang ika-6 ng Marso kung saan naitala ng CALABARZON ang pinakamaraming registration sa higit 187,000; na sinundan ng NCR, Central Luzon, Central Visayas, at Davao Region.
Inaasahan ng COMELEC na aabot sa 3 milyong Pilipino ang mag-aaply upang maging botante bago ang deadline ng registration pagsapit ng katapusan ng Setyembre ngayong taon. | ulat ni EJ Lazaro