Inaasahan na ng National Amnesty Commission (NAC) na higit 10,000 ang bilang ng mga dating rebelde na magsusumite ng aplikasyon para sa ipagkakaloob na amnestiya ng pamahalaan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Atty. Leah Tanodra-Armamento, na base sa peace table ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU); nasa 5,000 hanggang 8,000 ang mga naging rebelde sa ilalim ng CPP-NPA ang nagbalik loob na sa pamahalaan.
Umaakyat pa aniya ang bilang na ito lalo’t nagpapatuloy pa ang pagsuko ng iba pang ranggo.
“It is moving because there is continuous surrenders on the ranks.” -Atty. Armamento.
Sa hanay ng MNLF, tinatayang nasa 5,000 ang kanilang posibleng mag-apply para sa amnestiya.
Hindi hihigit sa 40,000 mula sa hanay ng MILF ang una nang na-decommision at hindi naman aniya lahat ng ito ay mayroong kaso.
Habang nasa 900 naman sa hanay ng RPMP/PRA/ABB.
“From the filing to the stage that the national amnestiy commition will recommend to the president, it is 90 days, as to the time that the recommendation of the NAC is submitted to the president, we can no longer determine the period that the president whether to approved, reverse our recommendation, or deny the application.” —Atty. Armamento. | ulat ni Racquel Bayan