Umabot sa P8 million ang tinatayang halaga ng pinsala sa structural fire sa Iznart St., Brgy. Magsaysay, City Proper, Iloilo City.
Batay sa paunang impormasyon na ibinahagi ng Iloilo City Government, dalawang gusali na maituturing na heritage building ng lungsod ang totally damaged sa nangyaring sunog.
Sa nangyaring sunog, inatasan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang Office of the Building Official na magsagawa ng inspeksyon sa mga electrical connections sa lahat ng heritage buildings sa Calle Real ng Iloilo.
Ayon kay Mayor Trenas, ang mga building na ito ay mga hiyas ng Iloilo City na bahagi ng mga pamana ng lungsod.
Dagdag pa ng alkalde, hihingi siya ng tulong sa National Historical Commission of the Philippines para ma-preserve ang mga heritage structures.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Iloilo City para matukoy ang pinagmulan ng sunog.| ulat ni JP Hervas| RP1 Iloilo