Tiniyak ni House Deputy Majority at Iloilo Representative Janette Garin ang pagiging proactive ng Kamara sa pagtugon sa anumang emergencies at kalamidad sa bansa.
Ito ang tugon ng lady solon sa naiulat na panganib sa food security dahil sa epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon kay Garin, aktibo ang House of Representative sa oversight powers nito upang agad na rumesponde sa pangangailangan ng taumbayan.
Ito rin aniya ang rason kung bakit sila naglaan ng standby fund sa 2024 budget, bilang ayuda sa maaapektuhan ng El Niño at climate change bagay na pinupuna ng ilang senador.
Nanawagan din ito sa iba pang mga ahensya ng gobyerno, na maging aktibo sa pagtugon sa posibleng maging epekto ng tag tuyot sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes