Tinawag na isang malaking kasinungalingan ni Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin ang pahayag na magpapalala ng inflation ang panukalang economic ammendments sa konstitusyon.
Sa daily press conference, sinagot ni Garin ang alegasyon ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na magdudulot ng pagtaas ng inflation ang amyenda sa Resolution of Both Houses No. 7.
Ayon kay Garin, hindi totoo ang mga haka-hakang ito at maling impormasyon para sa taumbayan.
Paliwananag pa ng Iloilo solon na kapag naisakatuparan ang economic chacha, magkakaroon ng kompetisyon sa bansa na siyang magpapababa ng presyo ng mga serbisyo, taliwas sa galaw na pagtaas umano ng inflation. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes